Meron akong kasamang engineer (not quite sure about his authenticity) na may masamang pananalita. Kapag naririnig ko na binabanggit niya ang salitang Kwan, naiirita ako. Sa loob ng isang minuto, mababanggit niya ito ng 59 beses. Nakakainis dahil ipinampapalit niya ang Kwan sa salitang hindi niya masabi. Ibig sabihin, hindi niya talaga masabi ang gusto niyang sabihin nang malinaw. Maliban ditto, masama pa ang accent niya dahil pabalang ito. Yung tipong boss na nagmamay ari ng pagkatao mo..Sa aking palagay, hindi magandang salita ito dahil nangangahulugan ito ng pagiging vague. Hindi mo masabi ang nais mong sabihin dahil kwan.Yung kwan eh kwan. Kapag kwan ito, siguradong kwan na. Ewan. Nakakairita talaga.
“Be careful of the words that you use, they speak for yourself.”
No comments:
Post a Comment