Monday, July 21, 2008

Dear Uncle Sam

Masaya bang tumira sa inyo? Balita ko maraming mga kamag-anak naming ang patay na patay makatapak sa lugar niyo. Ginawa ang lahat para lang makakuha ng VISA. Maraming akong kakilala na nagpunta sa inyo na yumaman. May mga properyunal, skilled workers at kung sinu-sino pa. Iniwan nila ang pamilya nila sa bahay para puntahan ka at para na rin sa pamilyang iniwan nila. Kahit na mahusay at bihasa pa sila, ikaw pa rin ang nilapitan. Di nagtatagal, isasama rin nila ang buong pamilya nila sa iyo. Masaya nga bang tumira sa iyo? Sino ka ba talaga sa palagay mo? Ikaw ba ang sagot sa problema ng pangangailangan ko? Matutulungan mo nga ba talaga ako? Parang ang simple lang ng tanong ko pero ang hirap intindihin. Siguro kapag sinulatan mo ako may linaw na ang gumugulo sa isipan ko.

Nagmamahal,
Anak ng OFW

1 comment:

Akilez said...

Kung maganda lang ang Ekonomiya ng Pilipinas aalis ba ako at tumuntong sa bayan ng expired milk and spoiled honey.

Maganda pa rin ang Pilipinas walang racial discrimination. meron ng sa Pinas pero small time racism lang. pero sa states big issue, too much work and no time for myself anymore.

If you have a nice job in Pinas stay there and be Happy.

America is not all that. noon siguro ngayon di bali na lang