Monday, November 16, 2009

Owepdabalyu

Dear Ma,



Kumusta na kayo diyan sa America? Malamig na daw ngayon diyan. Ang bilis ng panahon noh,parang kailan lang nung umalis kayo dahil wala akong pang tuition sa kolehiyo. Siya nga pala natanggap ko na yung pinadala niyo. Ang gaganda ng mga damit, yung para kay tatay ibibigay ko na lang sa kanya pag nagpunta siya rito sa bahay. Bihira na kasi siya umuwi simula nung tuluyan na silang magsama nung gerlpren niya. Yung pera na pinadala niyo,si lola ang naghahawak. Baka daw kasi ipang inom na naman ng mga barkada ni ate. Mag eenrol pa naman si jun jun sa susunod na sem. Ako nay, next year na lang siguro ko mag-aaral. Malapit na kasi manganak si jane. Magiging tatay na ko at lola na kayo. Saka ko na lang iisipin yung plano natin na maging nurse ako.Marami pa naman sigurong panahon. Sana dito na lang kayo. Namimiss na siguro kayo nina ate at jun jun. Hanggang dito na lang nay at baka umiyak pa kayo. Ingat po kayo diyan


love,

Andrew

2 comments:

:'( said...

i did not know you write so well. not so surprised though cos you've always been good at anything as far as i can remember back in elem. . :) i'll try to keep up on your previous posts.. looks like you've been doing this for quite a while already e... thumbs up for you! classmate :) striking, well written and thought of.. more so, it's REAL.

Ray L bulakeño said...

bridewannabe. Pwede bang malaman ang nasa likod ng name mo? Sana natatandaan pa kita. Well i do remember faces of my classmate nung elementary. Are you a classmate from St.Paul or SHA? I haven't posted anything since then.hehe .Naging busy kasi sa work.Ang late na pala nitong reply ko.