Saturday, October 30, 2010

Homesick

Unti-unti ko nang nami miss ang Pilipinas. Bakit ba ang hirap mong makalimutan. Bakit ba palagi kitang naiisip. Namimiss ko na ang patagaktak ng pawis ko sa init ng trapik sa EDSA. Ang fishball at kikyam kaya 50 cents pa rin? Gusto ko nang makipag inuman sa kanto kasama ang mga sunog bagang mga tambay.
Ang taho, balot, penoy, betamax, isaw at tokneneng. Ang magulong palengke. Ang ulan at baha. Ang makukulit kong kapatid na madalas kong kabangayan. Ang mga kakulitan kong mga pinsan. Mga kamag anak namin na hindi ko naman masyado kilala pero oras na makita ako magtatanong ng "Kanino ka bang anak?" Ang maingay na jeep at ang matagtag na tricycle. Ang simbahan sa bayan na madalas tagpuan. Ang barkada na akala mo noon lang nagkita kita kapag magkakasama. Ang aso ko. Ang maliit kong kwarto na tanaw ang sikat ng araw tuwing umaga. Ang mga magulang ko na paborito akong sawayin. Malamang malungkot sila ngayon. Wala kasing nang aasar sa kanila. Minsan prang gustong tumulo ng luha ko. Pero h'wag. Maslalo lang akong malulungkot. Ang hirap pala mag-isa. Napapaisip tuloy ako minsan. Mga ganitong oras nagluluto na siguro si Nanay ng agahan. Siguro naglalaro nanaman ng basketball sa labas ang mga pinsan kong makukulit. Nagsimba siguro sila nung linggo. Madalas siguro kong hinahanap ng tropa. Hindi ko na alam kung pano itutuloy. Kasi masmalulungkot lang ako kapag inalala ko pa ang lahat ng masasaya. Lalo na ang Pasko, bagong taon, birthday at lahat ng okasyon na alam mong ikatutuwa mo kapag nandoon ka. Pero pass muna. Bakante ang upuan ko ngayon sa Pinas. Pag-uwi ko magkikita kita ulit tayo.

No comments: